clean-up drive SA San Juan City

Metro Manila, lumampas na sa dengue alert threshold

National News

LUMAMPAS na sa alert level threshold ang bilang ng kumpirmadong kaso ng dengue sa buong Metro Manila.

Sa pinakahuling tala ng Department of Healt (DOH) Metro Manila Center for health development, lumobo na sa 11,123 ang bilang ng dengue cases mula Enero 1 hanggang Agosto 10.

Nasa above epidemic threshold naman ang Taguig City kung saan pumalo na sa 490 ang bilang ng kaso ng naturang sakit na 102% na mas mataas sa 243 na kaso noong nakaraang taon.

Malaki din ang naitalang pagtaas sa bilang ng dengue cases sa Malabon City na umakyat na sa 513 mula sa 282 na kaso noong 2018.

Sa Quezon City naman, bagaman bumaba ang kabuoang bilang kumpara nakaraan taon ay naitala parin sa lungsod ang pinakamaraming bilang ng nasawi na nasa 24 katao at pinakamaraming dengue case sa isang baranggay sa greater Fairview, Quezon City na mayroong nang 160 na kaso.

Bukod dito, lumobo din ang iba pang kaso ng mosquito-borne disease sa lungsod ng Las Piñas City, Makati City, Mandaluyong City, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasay City at San Juan City.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroon kakayahan ang mga ospital sa Metro Manila na matugunan ang patuloy na pagdagsa ng dengue patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *