Mga nasa likod ng pamamaril sa isang presinto ng pulis sa Albay, iniimbestigahan na

Regional

PINAULANAN ng bala ng baril pinasabogan ng granada ng mga armadong kalalakihan ang Police Community Precinct 4 sa Legazpi City, Albay.

Sa inisyal na report ng Legazpi City Police, pinaputukan ng mga suspek ang naturang police station sa Barangay Taysan pasado 8:00 ng kagabi.

Wala namang nasaktan sa panig ng kapulisan sa pagsalakay ng mga pinaghihinalaang rebeldeng grupo.

matatandaan na una nang inatake ng mga rebeldeng grupo ang naturang himpilan noong 2014 kasabay ng pagdaraos ng United Nations World Tourism Organization Conference.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtugis ng mga pulis sa mga suspek.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *