Miss Universe 2018 Catriona Gray, bukas sa posibilidad na maging isang Philippine Army Reservist

Showbiz

SA humahabang listahan ng mga showbiz celebrities at personalities na sumasailalim sa training bilang military reservist ay isa nanaman big name ang nagpahayag ng kaniyang willingness na mapabilang sa reserve officer.

Ito ay walang iba kung hindi si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang pagbisita sa Armed Forces of the Philippines (AFP) headquartes, inihayag ni Queen Cat na bukas siya sa posibilidad na pumasok bilang isang military reservist.

Say ni Catriona, malugod niya itong tatanggapin at paghahandaan dahil isa itong paraan upang mapaglingkuran at mabigyang pugay ang kaniyang sariling bansa.

Labis naman itong ikinatuwa ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. at sinabing isa ang Pinay beauty queen sa patunay na ang kababaihan ay nagbibigay-daan sa positibong pagbabago.

Ginawaran din ng AFP chief ang Pinay miss universe ng command plaque at binigyan ng Yakan Tribe “Capa Del Sur”, bilang pagkilala ng hanay sa mga nagawa at tagumpay ng dalaga para sa Pilipinas.

Itunuring naman ni Catriona na isang karangalan ang makabisita sa punong tanggapan ng AFP.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *