Nagpapabakuna kontra polio sa bansa, bumaba

National News

BUMABA ang bilang ng nagpapabakuna kontra polio sa bansa dahil sa pagkatakot sa kontrobersiyal na isyu sa dengvaxia vaccine.

Ayon kay Dr. Lulu Bravo, professor ng pediatric infectious and tropical diseases sa ekslusibong panayam sa Sonshine Radio, hindi dapat katakutan ang pagpapabakuna at dapat makumpleto ng bata ang 95 % ng bakuna kontra sa iba’t ibang sakit na maaaring kumitil sa buhay ng tao.

Ang pagbabakuna rin aniya ang nakaliligtas laban sa mga sakit sapagkat napatunayan na ang pagiging epektibo nito sa nagdaang mga taon.

Dagdag pa ni Bravo na dapat kumunsulta at maniwala sa mga doctor at huwag basta naniniwala sa mga kumakalat na maling balita tungkol sa pagbabakuna.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *