Department of Agriculture

P1.5-B utang na ayuda, ilalaan para sa mga magsasakang apektado ng Rice Tariffication Law

National News

MAGLALAAN ng P1.5 bilyong pondo ang pamahalaan para sa programang pautang sa mga magsasakang apektado ng Rice Tariffication Law (RTL).

Ito ay kasunod ng pagdagsa ng murang angkat na bigas sa bansa.

Sa isang forum, inihayag ni Agriculture Secretary William Dar na sahalip na ang naunang planong “conditional cash transfer” para sa mga magsasaka ay pinalitan ito ng Department of Agriculture (DA) ng one-time loan program na expanded survival and recovery assistance program for rice farmers (sure aid).

Sa ilalim ng programa, maaaring makakuha ang mga apektadong magsasaka na nagsasaka ng 1 ektarya ng lupa pababa ng P15,000 na maaring mabayaran sa loob ng 8 taon ng walang interes.

Bukod dito, bibilhin din ng National Food Authority (NFA) ang mga aning palay ng mga magsasakang nag-avail ng naturang loan.

Nakatakdang magsimula ang sure aid program ng da sa susunod na buwan, Setyembre 1.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *