Pagbebenta at paggamit ng vape o E-cigarettes sa bansa, nais ipa-regulate ng DOH

National News

NAIS i-regulate ng Department of Health (DOH) ang pagbebenta at paggamit ng vape o E-cigarettes sa bansa.

Ayon sa DOH, dapat sumailalim din ito sa regulatory control ng Department of Trade and Industry (DTI) upang hindi na dumami at kumalat ang illegal na pagbebenta ng E-cigarrete sa publiko.

Ang hakbang na ito ng DOH ay matapos kumpirmahin ng medical experts sa Illinois na may kaugnayan sa paggamit ng vape ang dahilan sa pagkakaospital ng ilang indibidwal na may severe lung disease.

Binigyan rin ng mandato ng Food and Drugs Administration (FDA) sa mga sale, distribution, manufacturer, import at export sa mga electronic nicotine at non-nicotine devices na kumuha ng lisensiya bago mag-octobre para makapag-operate ng legal.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *