Pagtaas ng antas ng lebel ng tubig sa Angat Dam, bumagal

Metro Manila

BUMAGAL ngayong weekend ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam dahil sa walang mga nararanasang mga pag-ulan nitong nakaraang araw.

Batay sa monitoring ng Pagasa Hydrological Division, nasa 177.60 meters ang water level sa Angat kaninang alas-6:00 ng umaga.

Bahagya lamang itong nadagdagan mula sa 164.99 meters kahapon ng umaga.

Nabawasan naman ang water level sa Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga, Magat Dam habang bahagya nadagdagan ang water level sa San Roque at Pantabangan.

Ang Angat Dam ang pangunahing pinagkukunang suplay ng tubig sa Metro Manila.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *