6 most wanted person na may iba’t ibang kaso, naaresto ng mga otoridad sa Maynila

Metro News

ANIM na indibidual na most wanted person na  kalalakihan na may ibat ibang kaso nagtatago sa batas ang naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District  at humihimas na ngayon ng rehas na bakal matapos iharap kay Manila City Mayor Isko Moreno kahapon.

Batay sa report na isinumite ni  MPD , Chief  Director Vicente Danao Jr. kinilala ang mga suspel na sina  Romel Olivo. top 3 most wanted person sa kasong homecide, Manuel Guevara top 7 most wanted  person sa kasong rubbery, Rammer Egualan   top 8 most wanted person sa kasong rape, Roberto Desambrana Jr. top 5 most wanted sa kasong rubbery, Angelo Sinubalu, top3 sa kasong rubbery, at Eruel Pacia, top 4.

Ayon sa alkalde ang 6 na naaresto ay balik na sa loob ng rehas na bakal at naaresto mula sa ibat ibang MPD police station ng lungsod.

Nagbabala si Mayor Isko Moreno sa iba pang mga most wanted person nagtatago sa batas na may ibat ibang kaso at  nagtatago sa maynila na sumuko nalang ,at kung ayaw sumuko ay lumayas nalang sa Maynila  at galingan nila magtago pasasaan pa ay babagsak di sila sa kamay ng batas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *