COA, kinuwestyon ang P500-M na ginastos ng CAAP para sa insurance

National News

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbili nito ng P500 milyong halaga ng life insurance para sa 10 opisyal nito.

Ito ay sa kabila ng hindi pagdaan sa tamang selection process at walang approval ng CAAP board.

Ayon sa COA, bumili ang kagawaran ng isang investment-linked insurance na Zenith Insurance Plan sa United Coconut Planters Life Assurance Corp o Cocolife bagaman walang inilabas na resolution ang CAAP board.

Dahil dito, pinayuhan ng COA ang CAAP na bawiin na lamang ang kabuuang halaga na ibiniyad nito sa cocolife at mag-invest sa ibang ahensya ng pamahalaan kung saan mayroong mas malaking investment returns.

Dumepensa naman ang CAAP at sinabing walang tumutol sa kanilang board members nang ihain ang planong pagbili sa naturang insurance plans kung kaya’t itinuloy ito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *