DOLE, idiniin ang otoridad sa pagbibigay ng working permit sa mga dayuhan

National News

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sila lang ang may otoridad na magbigay ng working permit sa mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas.

Pahayag ito ng DOLE kasunod ng kuwestyonableng pagdami ng Chinese workers sa bansa.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, pinapayagan naman ng batas ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DOJ) na magbigay ng special working permit.

Nabatid na lumobo sa hi­git isandaan libo ang bilang ng foreign workers sa mga Philippine Offshore Ga­ming Operation (POGO) hubs, kung saan karamihan ay mga Chinese.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *