Extension ng Low Pressure Area sa loob ng PAR, nagpapaulan sa bansa

National News

PUMASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 975 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar at kumikilos pahilagang-kanluran.

Maliit naman ang tsansa na maging bagyo ang LPA gayunman nagpapaulan ito sa silangang bahagi ng bansa.

Nagdadala ang extension ng LPA ng kalat-kalat na ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Uulanin din ang Hilagang Luzon dahil naman sa habagat habang magiging mainit sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa bagama’t may tsansa pa rin ng pulo-pulong thunderstorms.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *