Pambato ng Davao City, kinoronahan bilang Mutya Pilipinas Asia Pacific International 2019

Showbiz

NANGIBABAW ang angking ganda at talino ng pambato ng Davao City sa Mutya Pilipinas 2019.

Kinoronahan ang kinatawan ng Davao na si Klyza Castro bilang Mutya Pilipinas Asia Pacific International na siyang grand prix ng pageant.

Tinalo ng Davaoeña beauty ang nasa 40 kandidata sa pamosong pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Labis naman ang pasasalamat ni Klyza at nangakong gagawin niya ang lahat upang maibigay sa bansa ang back-to-back win sa Miss Asia Pacific International kung saan kasalukuyang nagrereyna ang Pinay na si Sharifa Akeel.

Samantala, nasungkit naman ng pambato ng Zamboanga na si April Short ang Mutya Pilipinas World top model Philippines.

Iginawad naman sa Beauty Queen na si Tyra Goldman ng Nevada ang Mutya Pilipinas Tourism International habang naiuwi ni Louise Janica Arroyo ng California ang Miss Overseas Communities Title.

Ang Mutya Pilipinas ay ang dating Mutya ng Pilipinas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *