SOGIE Equality Bill, sinusuportahan ni Pangulong Duterte

National News

SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill na layong protektahan ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ) community mula sa diskriminasyon.

Sa isang statement, sinabi ni Senador Bong Go na nagpahayag ng buong suporta ang pangulo sa LGBTQ Community matapos itong makipagkita sa LGBTQ advocates kasama si transgender woman Gretchen Custodio Diez sa Malacañang kagabi.

Ayon kay Go, hihilingin ni Pangulong Duterte sa 18th Congress na tiyaking maipasa ang SOGIE Equality Bill.

Kabilang din aniya sa proposals na napag-usapan sa pulong ang pagbuo ng isang komisyon para sa LGBTQ at pag-organisa ng isang national convention na magsisilbi bilang venue para maipaabot ang mga concern at makabuo ng mga proposal para ipromote at protektahan ang kapakanan ng LGBTQ Community.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *