Twitter at Facebook Company, tinanggal na ang state controlled media outlet na sangkot sa disinformation news 

International.

INALIS ng Twitter Inc. at Facebook Inc. ang ginagamit na accounts ng social media companies mula sa China na nagpapakalat ng disinformation news tungkol sa ginagawang kilos protesta ng pro-democracy sa Hong Kong.

Sinabi ng Twitter na sinuspende nito ang 936 accounts na lumabag sa polisiya nila at may ginawa rin silang pagbabago sa ads policy upang mas lalong mabantayan ang kumakalat na mga fake news.

Dahil dito, magiging istrikto na rin ang dalawang social media sa pagtanggap at pagpapalabas ng state controlled na mga balita at ads.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *