Maguindanao

2 sundalo, sugatan sa pagsabog sa Rajah Buayan, Maguindanao

Regional

SUGATAN ang dalawang sundalo sa pagsabog sa Barangay Bakat, Rajah Buayan Maguindanao.

Ayon sa Philippine Army, nagsasagawa ng security operation ang mga tropa ng 57th infantry battalion nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED).

Kinilala ang mga nasugatan na sina Private First Class Narciso Monreal na tinaman sa paa at tiyan at Sergeant Archie Dema-Ala na tinamaan sa kanyang braso.

Sa kasalukuyan ay ligtas na at nagpapagaling ang mga nasugatan sundalo sa Camp Siongco Station Hospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng militar sa pagsabog.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *