2020 Proposed National Budget

2020 Proposed National Budget sa Kamara, target na mai-transmit sa Senado sa Oktubre

National News

TARGET ng House Committee on Appropriations na mai-transmit ang 2020 Proposed National Budget sa Senado sa una o ikalawang linggo ng Oktubre.

Batay sa isinumiteng timeline ng komite, magsasagawa sila ng marathon hearing para matapos ang briefings ng national budget sa Setyembre.

Target naman ng House na maaprubahan ang panukalang pondo sa ikatlong pagbasa sa Oktubre 4 habang sa Oktubre 8 naman ang transmittal sa Senado.

Habang target na malagdaan ang Bicameral Conference Committee Report sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 8.

Disyembre 20 naman ang target na malagdaan ng pangulo bilang batas ang General Appropriations Bill.

Ang Proposed 2020 National Budget ay 12% na mas mataas sa 2019 budget na P3.7 Trillion.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *