Kidapawan broadcaster

KAPA leader, itinurong mastermind sa pagpaslang sa isang Kidapawan broadcaster

National News

DALAWANG testigo ang iniharap ng Presidential Task Force on Media Security sa Malacanang kaugnay sa pagpaslang sa Kidapawan broadcaster na si Eduardo Dizon.

Ito ay sina Helario Lapi Jr., at ang look out sa krimen na si Renato Seguncillio na siyang nakasaksi sa pamamaril.

Ibinahagi ni Lapi na kabilang siya sa ipinatawag na meeting ni KAPA leader Dante Tabosares na kilala din sa tawag na Bong Encarnacion kung saan iniutos ang pagpaslang kay Dizon.

Kilala kasi si Dizon sa kanilang lugar na kritikal sa ipinatutupad na iligal na investment scheme ng KAPA.

Kasalukuyang nasa ilalim ng witness protection program ang mga witness sa kaso ni Dizon at patuloy na inaalam ang iba pang sangkot sa krimen.

Magugunitang pinatay si Dizon nitong July 2019 sa labas mismo ng opisina ng Brigada News FM kung saan siya ang station manager.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *