“Alcopops”

Mga retailer ng mga flavored alcoholic drink, muling pinaalalahanan

National News

RESPONSIBILIDAD ng mga retailer na masigurong hindi maibebenta ang mga flavored alcoholic drink na “Alcopops” sa mga menor de edad.

Ito ang iginiit ni Health Undersecretary Eric Domingo sa panayam ng SMNI News.

Naglabas na umano sila ng order sa mga nagbebenta na ilagay ang mga produktong ito sa mga restricted area dahil mas mataas ang alcohol content nito kaysa sa alak.

“May mga bagay po kasi na restricted, halimbawa ng sigarilyo, tulad po halimbawa ng alak; hindi po ito pwedeng ibenta kasi sa menor de edad. Nakalagay po dapat ito sa isang location within the store na ‘yun po bang merong kaunting security at mababantayan. Para po siguradong hindi… walang access yung mga bata,” pahayag ni Domingo.

Ani Domingo, dalawang taon nang naka-rehistro ang mga produktong ito pero hindi lang nababantayan.

Napag-alaman na mahigit P69 milyon ang ginastos ng mga Pinoy sa ‘Alcopops’ noong 2018, na halos doble sa P30 milyon nakonsumo noong 2017.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *