Dengvaxia vaccine

Pagbawi sa Certificate of Product Registration ng Dengvaxia Vaccine, pinagtibay

National News

IBINASURA ng Department of Health ang apela ng Sanofi Pasteur kaugnay sa Certificate of Product Registration ng Dengvaxia.

Pinagtibay ng DOH ang desisyon ng Food and Drug Administration o FDA na tuluyang i-revoke ang certificates para sa registration ng Dengvaxia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang desisyon ay dahil sa patuloy na kabiguan ng Sanofi na magsumite ng post-approval requirements at pagbaliwala sa FDA regulations.

Ayon kay Health Sec., nanatiling committed ang DOH sa istriktong pagpapatupad ng Health Laws and Regulations sa gitna na rin ng kanilang pagsisikap na maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kanilang health programs at sa mga bakunang matagal nang napatunayang epektibo.

Tiniyak naman ni Duque sa publiko na hindi tumitigil ang doh na magtrabaho para matugunan ang dengue epidemic sa buong bansa.

Sinabi ng kalihim na pinaigting na nila ang 4S strategy at sinisigurong sapat ang mga kagamitan sa kanilang health facilities para sa mga dengue patient.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *