Pagharang sa nakatakdang paglaya ni dating Calauan mayor, hindi na kakayanin

National News

MAGKAKATALO na lang sa computation ng bilang ng taon na dapat ibawas sa sentensiya ni dating Laguna, Calauan mayor at convicted rapist- murderer Antonio Sanchez ang dapat pag-usapan sa gitna ng napipintong paglaya nito mula sa kulungan.

Ito ang inihayag ni Palace Spokesperson Secretary Salvador Panelo na nagsilbing isa sa mga defense lawyers ni Sanchez sa harap ng samut-saring reaksiyon hinggil sa pagkakabilang ng dating alkalde sa may 11, 000 inmates na nakatakdang makalaya sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay Panelo, hindi na kakayanin pa ng apela o ng anomang intervention kung lalabas na talagang kuwalipikado si Sanchez para makabenepisyo sa Republic Act 10592.

Kung iyon aniya ang itinatakda ng batas ay walang magagawa ang sinoman kundi sumunod sa umiiral na rule of law.

Bahala na ani Panelo ang BuCor kung paano ire- recompute ang pagbabawas sa sentensiya ni Sanchez na umano’y nagpakita ng good behavior, dahilan para makasama ito sa mga umano’y nakatakdang lumaya matapos ang mahigit dalawang dekada.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *