Bagyong Ineng

Signal Number 1 ng Bagyong Ineng, nakataas sa ilang lugar sa Luzon

National News

BAHAGYANG lumakas ang Tropical Storm Ineng habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran.

Sa weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa 725 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas ang Signal Number 1 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Ayon sa Pagasa, posibleng lumakas pa at maging severe tropical storm ang bagyo sa susunod na 24 na oras pero hindi ito inaasahang magla-landfall.

Inaasahang lalabas ng PAR si Ineng sa Sabado ng gabi o sa Linggo ng umaga.

Ngayong araw, magdadala ang Bagyong Ineng ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar at Quezon Province.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *