Bagyong Ineng

Tropical storm Ineng, napanatili ang lakas

National News

NAPANATILI ng tropical storm Ineng ang lakas nito habang kumikilos pahilagang-kanluran.

Sa Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa 840 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Ayon kay weather specialist Ezra Bulquerin, posibleng lumakas pa ang bagyo pero hindi ito inaasahang magla-landfall.

Sa pagtaya ng Pagasa, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa mga lalawigan ng Abra, Benguet, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya dahil sa Bagyong Ineng o habagat.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang sa kanluran naman ang iiral sa Hilagang Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *