Volunteer Against Crime and Corruption (VACC)

VACC, hiniling ang pag-amyenda sa Good Conduct Time Allowances

National News

NANAWAGAN ang mga Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) na muling pag-aralan ang Good Conduct Time Allowances (GCTA).

Dahil ito sa napipintong paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na na-convict sa panggagahasa at pagpatay sa dalawang mag-aaral sa UP Los Baños matapos nitong matanggap ang kanyang GCTA.

Sinabi ni VACC spokesperson Boy Evangelista sa isang panayam na hindi sila pabor at hindi pro-victim ang batas dahil binabawasan nito ang sentensiya ng mga convicted kasunod sa good behavior ng mga ito sa loob ng kulungan.

Dagdag pa ng VACC na ang nasabing batas ay parang nanghihikayat pa ng mas maraming krimen.

Samantala, nauna na ring nagsabi ang Department of Justice ang muling pagbusisi at pagre-compute sa GTCA ni Sanchez.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *