Bagyong Ineng

Bagyong Ineng, isa nang severe tropical storm; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

National News

LUMAKAS pa at isa nang severe tropical storm ang Bagyong Ineng.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 580 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan kaninang 4:00 a.m.

Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 95 kilometers per hour at pabugsong umaabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour.

Nakataas ang tropical cyclone wind Signal No. 2 sa Batanes habang Signal no. 1 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Mababa ang tsansang mag-landfall pa ang bagyo at tinatayang aalis na rin bukas nang gabi o sa linggo nang umaga.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *