Bagyong Ineng

Bagyong ineng, lumakas pa; ilang lugar sa Luzon, isinailalim sa Storm Signal

National News

ISA na ngayong severe tropical storm si Bagyong Ineng,

batay sa huling Weather Bulletin ng PAGASA.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 115 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

huling namataan ang bagyo sa 580 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Nakataas ngayon ang signal no. 2 sa Batanes habang signal no.1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga Northern Abra at Ilocos Norte.

inaasahan namang lalabas ng PAR si Ineng sa Sabado ng gabi o sa Linggo ng umaga.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *