Pangulong Rodrigo Duterte

China trip ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinaiksi ng 4 na araw

National News

MULA sa orihinal na planong walong araw, pinaikli na lang ng apat na araw ang China trip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Aalis ng bansa ang pangulo patungong Beijing sa Agosto 28 kung saan magkakaroon ito ng magkahiwalay na pulong kina Chinese President Xi Jinping at Prime Minister Le Keqiang.

Matatapos ang pagbisita nito sa China sa Agosto 31.

Sa China visit ng pangulo, dadalo ito sa grand opening ng FIBA World Cup 2019 at panonoorin ang unang laro ng Gilas Pilipinas laban sa Italy sa Fonshan City.

Makikipagkita rin ang punong ehekutibo sa mahigit 300 Chinese leaders sa Beijing.

Habang hindi na dadaluhan ng pangulo ang inagurasyon ng school building na ipinangalan sa kanyang ina sa Fujian University sa Fujian City sa Setyembre 2.

Unang nang ipinangako ni Pang. Duterte na kanyang uungkatin ang 2016 arbitral ruling sa South China kay Xi.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *