Ex-DFA Perfecto Yasay

Ex-DFA Perfecto Yasay, nakatakdang dumalo sa kanyang bail hearing ngayong araw

National News

NAKATAKDANG dumalo si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa kanyang bail hearing ngayong araw sa Manila Regional Trial Court Branch 10.

Sa Facebook account ni Yasay, ibinihagi nito ang kanyang larawan na sinusuri sa Manila Doctors Hospital kung saan siya nanatili magdamag.

Ayon sa post ng dating kalihim, binigyan siya ng mga doktor ng permiso na daluhan ang kanyang bail hearing at muling babalik sa ospital bago sumailalim sa panibagong mga test.

Kagabi nang itakbo sa ospital si Yasay dahil sa high blood pressure ilang oras matapos arestuhin sa umano’y paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Act.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *