ROTC Act

Pagsasabuhay ng ROTC sa paaralan, muling tinalakay sa Senado

National News

MULING tinalakay sa Senado ang panukalang pagpapanumbalik ng Reserve Officers Training Corps o ng ROTC Act sa lahat ng senior high school sa bansa.

Itoy sa pangunguna ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chair Senator Sherwin Gatchalian.

Muling iginiit ni Gatchalian ang kahalagahan ng nasabing panukala para sa pagpapatibay ng nasyonalismo o pagkamakabayan ng mga kabataan lalo na sa senior high school hanggang college.

Sinang-ayunan naman ito ng iba pang kahalintulad na panukala nina Senators Imee Marcos at Richard Gordon sa ilalim ng kanilang Senate Bills 925 o Youth Patriotism and Bayanihan Act at Senate Bill 927 o Citizen Service Act.

Sa ilalim ng panukala ni Marcos, nais nitong palawakin pa ang ROTC hanggang sa elementarya sa paraang matutunan ng mga ito ang pagpapahalaga ng pagmamahal sa bansa, bayanihan, disaster preparedness at community service.

Habang ipinunto naman ni Gordon na ang kaniyang panukala ay para tukuyin ang posibleng patutunguhan ng sinumang sasailalim ng programa gaya ng pagiging sundalo o pulis pagkatapos ng pag-aaral o di kaya maging on call officials sa oras ng pangangailangan.

Samantala, wala namang pagtutol ang tanggapan ng Department of National Defense na matagal na anilang pinag-aaralan mula pa sa mababang kapulungan ng Kongreso na ibalik ang ROTC para mapaigting pa ang nation building.

Sa panig ng DepEd, tiniyak nito ang kahadaan ng kanilang kagawaran na magkaroon ng dekalidad at may sapat na kasanayan sa ilalim ng Reserve Training Course ang mga kabataan sa ilalim naman ng pamamahala ng mga professional officers.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *