General Manager Royima Garma

Suspensyon ng operasyon ng Small Town Lottery, tuluyan nang tinanggal

National News

TULUYAN nang tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa bansa.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, may mga itinakdang kondisyon ang pangulo kaugnay dito.

Kabilang dito na dapat maglagak ng cash bond ang mga authorized agent katumbas ng tatlong buwan share ng PCSO sa Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipts (GMMRR) bukod pa sa kanilang existing cash bonds.

Pipirma din sa isang kasunduan ang mga STL agent kung saan nakasaad ang kanilang obligasyon, at sakaling may lalabag ay agad itong ite-terminate ng PCSO.

Matatandaan na nitong Hulyo ay sinuspendi ni Duterte ang operasyon ng STL dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *