VP Robredo, nakiisa rin sa paggunita ng Araw ng mga Bayani

National News

NAKIISA rin si Vice President Leni Robredo sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Robredo na magsilbi sanang paalala ito na walang iisang bayani ang makapagsasalba sa atin mula sa ating kinalalagyan ngayon.

Ayon sa bise presidente, wala sa kamay ng iisang tao ang solusyon sa lahat ng suliranin at walang iisang pinuno ang makapagbibigay sa mas magandang bukas.

Gaya aniya ng paulit-ulit nang itinuro ng kasaysayan, magiging totoo at makabuluhan lang ang pag-unlad at kalayaan kung magpapaka-bayani ang bawat isa at sa pagbabayanihan ng sambayanang Filipino.

Sa panahon aniya kung kailangan maraming banta sa demokrasya at soberanya ng bansa, umaasa ang bise presidente na patuloy sana na manindigan ang bawat isa para sa mga kalayaan at mga karapatang ipinaglaban ng mga ninuno.

Dagdag pa ni Robredo na panahon na para tayo naman ang magpatuloy nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *