Angat Dam, bumalik na sa minimum operating level na 180 meters

Section

PATULOY na nadaragdagan ang water level ng Angat Dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA hydrology division, 6:00 kaninang umaga ay sumampa na sa 180.75 meters ang lebel ng tubig sa Angat matapos ang sunud-sunod na pag-ulan.

Mas mataas ito kumpara sa 180.7 meters na water level nito kahapon kung saan bumalik na sa minimum operating level nito.

Dahil dito, magdadagdag na ng water allocation ang National Water Resources Board  (NWRB) sa Metro Manila simula September 1.

Tumaas din ang water level sa Ipo Dam na nasa 101.09 meters na habang ang La Mesa Dam naman ay nasa 77.11 ang water level.

Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon maliban sa San Roque at Caliraya Dam na kapwa nabawasan ang antas ng tubig.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *