Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo

National News

NAGPATUPAD ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Epektibo ngayong 6:00 ng umaga, may bawas presyo na P0.10 sa kanilang gasolina at diesel ang mga  kompanya ng Shell, Seaoil, Caltex at Petron.

Habang P0.10 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ding oil price rollback ang Petro Gazz, PTT Philippines at Phoenix Petroleum Philippines sa kanilang gasolina at diesel.

Nagpatupad din ng kaparehong oil price rollback ang Caltex kaninang 12:01 ng madaling araw.

Una nang nagpatupad ng rollback na P0.15 sa kada litro ng diesel at P0.20 sa kada litro ng gasolina ang Cleanfuel noong araw ng linggo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *