Golf Legend na si Tiger Woods, sumailalim sa knee operation

Sports

SUMAILALIM ang legendary golf star na si Tiger Woods sa knee surgery noong nakaraang Linggo.

Ang former world number one pagdating sa larong golf ay nag-undergo sa tinatawag na arthroscopic procedure para ayusin ang kanyang ‘minor cartilage’.

Inaasahan naman ni Woods ang kanyang full recovery mula sa operasyon bago sumabak sa kompetisyon na gaganapin sa Oktubre.

Ang naturang kompetisyon ay gaganapin sa Japan.

Magugunitang nag-withdraw si Woods sa northern trust open dahil sa iniindang pain at stiffness sa kanyang likod.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Dr. Vern Cooley, na maayos ang pagpapagaling ni Woods mula sa operasyon at inaasahan ang kanyang full recovery sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *