Korapsyon sa PCSO, talamak pa rin hanggang ngayon ayon kay Sandra Cam

National News

BIGO si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam na maisiwalat ang patuloy na korapsyon sa PCSO.

Ito ay matapos hindi payagang makapagsalita si Cam dahil agad na nag-adjourn ang pagdinig ng house committee on games and amusement.

Sinabi ni Cam na dala na niya ang mga dokumentong magpapatunay na talamak pa rin ang lagayan sa ahensya subalit hindi man lang siya pinagbigyang magsalita sa hearing.

Sa kabila nito, tumanggi si Cam na idetalye ang kaniyang mga nalalaman at iginiit na sa proper investigation lamang ito magsasalita.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *