Teachers Dignity Coalition, hindi pabor sa panukalang ‘No Home Work Policy’

National News

MALAKING kawalan para sa mga mag-aaral ang ‘No Home Work Policy’.

Ito ang reaksyon ng Teacher’s Dignity Coalition at iba pang grupo ng mga guro sa naturang panukala.

Ayon sa grupo, ang pagbibigay ng takdang aralin ang kanilang sukatan kong may natutunan ba ang kanilang mga estudyante.

Maliban dito, mahalaga din ang pagbibigay ng takdang aralin dahil naituturo ang disiplina at pagiging responsable sa mga mag-aaral.

Dagdag pa ng mga guro na ito ang mas magandang oras upang patibayin ang family bonding dahil natuturuan at natutulungan ng magulang ang kanilang mga anak sa paggawa sa kanilang aralin.

Sinabi pa ng mga ito na ang dapat tanggalin ay ang mga bagay na hadlang sa pag-aaral ng mga studyante tulad ng social media, computer games at hindi ang homework.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *