Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Locsin, hindi tinanggap ang paghingi ng sorry ng may-ari ng Chinese vessel sa Recto Bank incident

National News

HINDI tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang paghingi ng sorry ng may-ari ng Chinese vessel na bumangga at nag-abandona sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Sa Tweet ni Locsin, sinabi nito na “merely noted” sa kanya ang apology ng mga Chinese pero hindi niya ito tinanggap dahil hindi naman aniya siya mangingisda.

Ayon kay Locsin, kuntento naman ang Malacañang sa apology letter ng ship owner.

Una nang sinabi ni Panelo na tinatanggap ng Malacañang ang apology letter ng China.

Matatandaang ipinaabot ng may-ari ng Chinese vessel ang paghingi ng sorry sa pamamagitan ng sulat na nilagdaan ni Chen Shiqin, presidente ng Guangdong Fishery Mutual Insurance Association na kinabibilangan nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *