statutory rape

Panukalang batas na nagpapaigting sa kaparusahan laban sa statutory rape, isinusulong

National News

ISINUSULONG ngayon ni TINGOG Party-list Representative Yedda Marie Romualdez, Chairperson ng House Committee on the Welfare of Children ang panukalang batas na nagpapalawig sa saklaw na edad ng mabibiktima ng statutory rape.

Nais ng House Bill 4160 ni Romualdez na itaas sa edad labing-anim na taong gulang pababa ang basehan ng statutory rape o panggagahasa na hindi pinuwersa at may pahintulot ng biktima, anuman ang sexual orientation.

Paliwanag ni Romualdez, ang pakikipagtalik sa mga batang may may edad labing anim na taong gulang pababa ay dapat nang ituring na rape kahit pa may pahintulot ito mula sa biktima.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, sakop ng statutory rape ang pakikipagtalik sa 12 years old pababa habang ang sexual activity sa below 18 years old ay maaaring ituring na child abuse o exploitation, bagay na ayon sa kongresista ay malayo sa international average na itinakda ng United Nations International Children’s Fund sa East Asia at Pacific Region.

Habambuhay na pagkakakulong ang ipapataw na parusa sa sinumang indibidwal na mahahatulang guilty sa statutory rape.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *