Pastor Apollo C. Quiboloy, balik-bansa matapos ang matagumpay na pagbisita ng delegado ng Pilipinas sa bansang China

Kingdom News

BALIK-BANSA na rin si Pastor Apollo C. Quiboloy matapos maging isa sa mga opisyal na delgado ng Pilipinas kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang China upang makipag-kita kay Pres. Xi Jinping at sa iba pang mga top leaders.

Matatandaang, isa si Pastor Apollo C. Quiboloy sa naging opisyal na delegado ng bansa sa China bilang personal na spiritual adviser ni Pangulong Duterte.

Si Pangulong Duterte mismo ang nag-request na isama si Pastor Apollo sa delegado sa ika-limang pagbisita ni Duterte sa China ngayong 2019.

Sabay ding nanood ng unang laban ng Gilas Pilipinas kontra italya sa opisyal na pag-uumpisa ng FIBA World Cup.

Nakatakda namang mangaral ngayon si Pastor Apollo C. Quiboloy ng live sa Sonshine Media Network International para sa pag-diriwang ng ika-34 na anibersaryo ng Bansang Kaharian.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *