7 sugatan matapos mabangga ang isang van ng isang tren ng PNR sa Laguna

Regional

SUGATAN ang 7 katao matapos mabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang van sa Parian, Calamba City, Laguna.

Ayon kay PNR Spokesperson Joseline Geronimo, alas 4:52 ng umaga ng maganap ang aksidente.

Ani Geronimo, “beating the train & railroad crossing” ang van kaya nahagip ng tren.

Tumama rin ang van sa mga bahay at ilang tricycle na nakaparada lang sa lugar.

2 sa mga nasugatan ay mula sa sakay na van habang ang 5 iba pa ay mula sa tinamaang bahay kabilang ang 7-buwang-gulang na sanggol at isang 2-taong gulang na lalaki.

Dinala ang mga biktima sa JP Rizal Hospital sa Calamba.

Hindi naman naantala ang operasyon ng PNR.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *