Joma Sison

Banat ni Sison sa ginawang pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, dinedma lang ng Malacañang

National News

AYAW nang patulan ng Malacañang ang bagong banat ni CPP-NPA Founding Chair Jose Maria Sision.

Kaugnay ito sa katatapos lang na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay binanatan ni Sison ang mga nilagdaang agreement nito sa China, ang joint exploration ganundin ang ginawang pag-ungkat ng chief executive sa panalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas mabuting huwag nang patulan ang litanya ng isang indibidwal na wala nang magawa at ang pananaw ay pawang produkto lang ng ilusyon.

Sinabi ni Panelo na mas maiging mag-pokus na lang sila na gawin ang constitutional duty ng administrasyon na paglingkuran at protektahan ang mga Pilipino sa halip na mag-aksaya ng oras sa lider ng CPP-NPA.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *