BuCor Chief Faeldon, hindi sisisbakin ng pangulo ayon sa Malacañang

National News

HINDI sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sakabila ng kaliwa’t kanang panawagan ng mga Mambabatas at publiko na sibakin o hindi kaya’t magbitiw na lamang sa pwesto si Faeldon.

Kasunod ito ng kontrobersiya na kinasangkutan ng BuCor chief dahil sa muntik na paglaya ng convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, paglaya ng mga killers ng Chiong sisters murder case at halos dalawang libong iba pang bilanggo ng heinous crimes.

Ayon kay Panelo, minabuti ng pangulo na panatilihin ang status quo habang nagpapatuloy ang isinasagawang congressional hearings.

Gayunman, tiniyak ni Panelo na mahigpit na minomonitor ng punong ehekutibo ang pagdinig sa kongreso at ikukunsidera ang resulta ng imbestigasyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *