Computerization sa mga gaming operations ng PCSO, ipinanukala ng isang Mambabatas

National News

ISINUSULONG ng isang Mambabatas ang kompyuterisasyon sa lahat ng mga gaming operations ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Eric Go Yap upang gumanda pa ang kita at implementasyon ng mga programa ng PCSO.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni go na siya ring chairman ng house committee on games and amusements na bagamat magastos ang kompyuterisasyon ay mababawi naman agad ang kita rito.

Dagdag pa ng Mambabatas, dahil sa mano-mano pa ang proseso sa mga Small Town Lottery (STL) ay malaki ang posibelidad na hindi ideklara ng mga operator ang totoong kita.

Maliban dito, sinabi ni Yap na kahit hindi pa napatutunayan ay malakas pa rin ang ugong na ang mga operator ng STL ay siya ring mga operator ng jueteng sa kani-kanilang lugar.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *