34 katao, hinihinalang nasawi matapos masunog ang isang barko sa California

International News

NASA 34 katao ang hinihinalang nasawi sa pagkasunog ng isang barko sa Channel Island National Park sa Southern California.

Ito ay matapos wala nang matagpuang buhay ang mga otoridad matapos maapula ang apoy.

Ayon sa otoridad, mayroong kabuuang 39 katao ang sakay ng naturang barko kung saan 5 sa mga ito ang nakatalon sa tubig habang ang karamihan ay nagpapahinga o tulog sa ilalim ng deck.

Kasunod ng deklarasyon ng “presumed dead” ay itinigil na ng mga otoridad ang search and rescue operations para sa mga posibleng survivors.

Sa huling tala ng Santa Barbara County, nasa 20 na bangkay na ang narecover sa pinagyarihan ng insidente na nakatakdang isailalim sa DNA test para sa pagkakakilanlan.

Ulat ni: Patricia Fulo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *