Bucor Chief Nicanor Faeldon

Imbestigasyon laban sa ilang kawani at opisyal ng BuCor at BJMP, patuloy kahit kakasibak pa lang ni Faeldon

National News

TULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa ilang kawani at opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) At Bureau Of Jail Management And Penology (BJMP).

Ito ang iginiit ni PACC Commissioner Atty. Manuelito Luna sa kabila ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bucor Chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Comm. Atty. Luna, kabilang sa iimbestigahan ay ang mga naging subordinates o empleyado ng sinibak na opisyal.

Gayundin ang mga naging pinuno at kawani ng BuCor na nagsilbi bago pa man ang termino ni Faeldon mula 2014 maliban na lamang kay dating PNP Chief At BuCor Director Ronald Dela Rosa na ngayon ay isang Senador.

Layon nito na mabigyan ng due process o pantay na pagkakataon ang lahat ng mga sangkot at hindi lamang idiin ang sisi kay Faeldon ang naganap na pagpapalaya sa libu-libong bilanggo na sangkot sa Heinous Crimes.

Susuriin din aniya ng PACC hindi lamang ang posibleng naging paglabas sa GCTA kundi maging ang posibilidad ng korapsyon at iregularidad sa pagpapalaya ng mga preso.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *