canceled flights

2 flights ng skyjet, kinansela dahil sa masamang panahon

National News

KANSELADO ang dalawang domestic flights ngayong araw dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng media affairs office ng Manila International Airport Authority (MIAA), partikular sa kanselado sa naia terminal 4 ang M8 816 at 817 na Manila patungong Basco at pabalik ng skyjet.

May tatlumpung araw naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.

Batay sa lagay ng panahon, apektado ng southwest monsoon ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group Of Islands, Zambales at Bataan na makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at pagkulog.

Habang apektado naman ng localized thunderstorms ang Metro Manila at natititrang bahagi ng bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *