Heinous crime convicts

Listahan ng heinous crime convicts na nakalaya dahil sa GCTA, hawak na ng Senado

National News

HAWAK ng Senate Blue Ribbon Committee ang listahan ng halos dalawang libong Heinous crime convincts na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ito ay matapos hilingin ng Senado sa Bureau of Correction na isumite ang listahan ng mga napalayang preso na ngayon ay tinutugis ng Gobiyerno.

Kasunod ito ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay BuCor Chief Nicanor Faeldon kaugnay ng kontrobersyal na implimentasyon ng GCTA mula 2013.

Kabilang sa mga convicted na nakalaya ay ang 939 na may kasong rape, 874 na may kasong murder at 261 na illegal drugs.

Nakasaad sa listahan na nasa 445 convicts ang nakalaya sa ilalim ng Administrasyong Aquino, habang nasa 1,714 sa kasalukuyang Administrasyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *