Maynilad at Manila Water

Maynilad at Manila Water, kumukuha na ng suplay ng tubig sa Laguna Lake

National News

KUMUKUHA na ng suplay ng tubig ang Maynilad at Manila Water sa Laguna Lake.

Ito ang naging pahayag ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Jaime Medina matapos ipanukala ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagkuha ng tubig sa Laguna Lake para maiwasan maulit ang nangyaring water supply shortage sa Metro Manila.

Sa budget briefing sa House Appropriations Committee sa 2020 Proposed Budget ng DENR, sinabi ni Medina na kumukuha na ng 300 million liters kada araw ang Maynilad sa Laguna Lake habang 100 million liters per day naman ang Manila Water.

Ayon sa LLDA Chief, kaya ng Laguna Lake na magbigay ng mas marami pang suplay ng tubig sa dalawang water concessionaires upang hindi na umasa lamang sa Angat Dam.

Gayunman, kailangan aniya ng dredging para sa mas magandang kalidad ng tubig.

Sa ngayon aniya ay nasa Class C ang tubig sa lake na angkop lamang sa palaisdaan at hindi maaari ipanligo at iba pang human needs.

Sinabi ni Medina na kailangan nila ng malaking pondo para sa dredging at rehabilitation ng Laguna Lake.

Ang pondo ng LLDA kada taon ay nasa 400 milyong piso lamang.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *