CWS Partylist

Pagpasa “on-time” ng 2020 proposed budget, mahalaga sa pamahalaan –CWS Partylist

National News

IGINIIT ni CWS Partylist Rep. Romeo Momo na mahalaga sa pamahalaan na maipasa “on-time” ang pondo para sa fiscal year 2020.

Ayon kay Momo, na nagsilbi bilang Undersecretary sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mahabang panahon, dapat na bid-out na ang 90-95 na porsyento ng mga proyekto sa ilalim ng DPWH bago o sa mismong petsa na December 31, 2019.

Punto pa ni Momo, mainam na masunod ang projection dahil pagkatapos na mapirmahan ng Pangulo ang General Appropriations Act, agad na maisasagawa ang awarding of contract sa mga project contractors at agad na ring masisimulan ang lahat ng mga infrastructure projects sa bawat distrito.

Matatandaan na naapektuhan ang government spending ngayong taon sa mga infra projects matapos matalagan ang Kongreso na mapapirmahan kay Pangulong Duterte ang pambansang pondo dahil sa isyu ng pork barrel.

Samantala, sang-ayon naman ang mambabatas sa planong pag-o-overtime ng Kamara para talakayin sa plenaryo ang 2020 General Appropriations Bill kahit pa ma-extend ang sesyon hanggang sa araw ng Biyernes.

Sa huli, target ng Kamara na maipasa sa third and final reading ang 2020 spending bill bago ang kanilang October 4,2019 deadline.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *