hospital referral pass

Bentahan para sa hospital referral pass sa Bilibid, matagal na –De Rosa

National News

INAMIN ni dating BuCor chief at ngayo’y Senador Ronald Dela Rosa na noon pa man sa kanyang panunungkulan ay may balita ng bentahan kapalit ng hospital referral pass sa loob ng New Bilibid Prison.

Ito ay kasunod ng pagsiwalat ni Senator Bong Go sa pagdinig kahapon na hindi lamang GCTA ang binebenta maging ang hospital pass sa loob ng kulungan.

Ayon kay Dela Rosa, ilang mga high offender na nakakulong sa Bilibid Building 14 ang pabalik-balik sa mga hospital sa loob ng NBP na hindi naman totoong may sakit pero nais lang doon isagawa ang mga transaksyon nila sa droga kasama ang iba pang preso.

Aniya, isa sa mga nakita niyang pabalik-balik sa hospital ay sina Raymond Dominguez na siyang pumatay sa anak ni VACC Commisioner Boy Evangelista.

Pinabulaanan naman ni Dela Rosa na may pinirmahan siyang hospital pass para kay ex-Caluan Mayor Antonio Sanchez para maipagamot sa ospital sa labas ng NBP pagkatapos nitong inamin na may mga preso siyang pinayagan na magpagamot sa ibang hospital dahil sa malubhang karamdaman.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *