EDSA Ortigas

Matinding pagsisikip ng trapiko sa EDSA Ortigas, naranasan

Metro News

MAAGANG naperwisyo ang mga motorista sa EDSA Ortigas kaninang rush hour.

Ito ay matapos bumagsak ang poste ng ilaw sa EDSA-Ortigas flyover southbound habang lumaylay ang kawad nito sa northbound ng flyover.

Sa abiso ng MMDA, matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang naranasan ng mga motorista sa northbound at southbound lane ng EDSA Ortigas dahil sa insidente.

Bago mag alas 7:00 ng umaga ay naialis na sa lugar ang humarang na poste at kable pero matindi na ang build-up ng traffic naidinulot nito.

Sinabi ng MMDA na umabot sa Timog Flyover ang tail-end ng traffic sa southbound habang umabot sa Magallanes ang tail-end sa northbound.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *